Kalabaw lang daw ang tumatanda.. Ngunit bakit ganun, para akong sinikmuraan at tinadyakan nang aking mapagtantong ako ay tumatanda na?
Trip ko lang magmarathon ng Prince of Tennis sana, kaso ay mas inuna kong panoorin ang latest episode ng Naruto na aking na-download mula sa Dattebayo. Ang katapusan ng filler story tungkol sa Noroimusha ng Bird Country ay mayroong introduction ni Pakkun, ang aso ni Hatake Kakashi na team leader ng grupo nila Uzumaki Naruto, Uichiha Sasuke, at Haruno Sakura. Wala akong balak magsayang ng blog space at panahon para lamang ikuwento ang story ng Naruto so far, kaya balik tayo sa introduction ni Pakkun. Ang epsiode 166 kase ang first episode for the year 2006 at ang 2006 sa Chinese calendar ay Year of the Dog, thus, nagkaroon ng brief intro si Pakkun na isang pug. Ang closest cousin ko sa paternal side ay ipinanganak noong taon ng aso, mil nueve sientos otsenta y dos, at sa darating na Oktubre ay magbe-beinte y cuatro na siya. Dalampu't apat na taon.. Isang taon na lang quarter life na.. Ilang taon lang ang tanda sa'ken ng pinsan kong ito kaya nga naging close kame dahil inde kame nagkakalayo ng edad, kaya kung magka-quarter life na siya next year, ilang taon na lamang ay ako naman ang susunod..
Not that I don't wanna get old at mayroon akong Peter Pan syndrome.. Nagkataon lang na na-stuck ang utak ko into thinking na 15 pa rin lang ako noong college days ko, at 18 mula nang umapak ako sa lupa ng mga Amerikano. Ewan ko kung bahket.. Marahil ay dahil I haven't lived my teenage years to the fullest kaya gusto kong maging ganun muna ang age ko for quite some time.. Dose pa lang kase ako eh nagbabantay na ako ng tindahan ng Tita ko, though half-boring half-enjoyable naman, inde 'yun 'yung talagang gawain ng isang 12 years old.. Tapos kahet pa meh ganun ng responsabilidad na ibinabalikat sa'ken eh meh yaya pa rin ako hanggang mag-college ako or rather personal assistant na since dalaga na ako.. And 2 of my former PA's became my drinking buddies pa nga at isinasama kong mag-clubbing.
Anyhoo.. Meron daw ng tinatawag na "quarter-life crisis".. I dunno what it consists of and I don't fear it.. Napapansin ko lang na merong mga changes sa'ken as time passes by.. Una, matagal ko ng alam at inamin sa sarili kong horny ako and I admit (to others) I masturbate, though lately mas nagiging malibog ako and I feel like my mind and body are ready for sex. Pangalawa, nadi-depress ako lately especially pag nakikita ko sa Friendster ang mga classmates, schoolmates, batchmates, etc. ko na merong graduation pic na naka-post. Meron na silang tapos, meron na silang na-accomplish.. Ako? Eto, stuck sa lupa ni Uncle Sam kung saan ang pag-aaral ng kolehiyo ay mas mahirap kesa sa Pinas. Kung sa Pinas nagbebenta ng livestock ang mga magulang para mapag-aral ang kanilang mga anak, dito ka-kailanganin mong i-refinance every year or term depende sa kung magkano ang halaga ng hinuhulugan mong bahay para lamang mapag-aral mo ang iyong anak sa kolehiyo na isang napalaking gastusin sapagkat tumataas lalo ang value ng utang mo kada magre-refi ka. At ang huli, lagi kong iniisip at/ o kaya'y pinoproblema kung magkanong pera ang ipadadala ko sa Pinas para maipagpatuloy ang negosyo ng tiyahin ko, maipambili ng lupaing gusto ko/namin ni kuya, at pampagamot sa lola't tita ko..
Sa tuwinang naiisip ko 'yung dalawang huli kong binanggit, nagke-crave/naglalaway akong manigarilyo nang sunud-sunod, though I'm not a smoker.. Sign ba iyon ng quarte-life crisis..Ang pagiging smoker? =P
No comments:
Post a Comment