purple proses that melts in the untamed rebel's mouth and the nuts inside her head.
11.08.2004
Tikman
Lulain ako sa loob ng saradong sasakyan. Summer ngayon, mainit ang hangin, kaya kelangang buksan ang aircon. Kasasakay ko pa lang pakiramdam ko lalabas na ang kinain kong almusal... Pauwi kami ng West Covina mula sa Camarillo. Ang init kase sa freeway eh! Tsaka mala-disyerto 'yung daanan.
Isang oras lang ang hihintayin ko, sabi ko sa sarili ko, pwede ko nang buksan ang mga bintana ng kotse...
'Di nagtagal, tapos na ang isang oras, Sa wakas! Hmmmmnnn... Ang sarap ng simoy ng hangin dito, presko, marahil dahil sa maraming camphor sa paligid. Aaahhh... Sarap!
*singhot, singhot*
Bakit parang merong iba akong naamoy?
*singhot, singhot ulit*
Nakakagutom... Parang amoy ng bibingkang kagagaling lang sa pugon. 'Yun bang klase ng bibingkang mabibili mo sa labas ng simbahan pagkatapos ng Misa de Gallo kasama ng puto bumbong at mainit na tsokolate... Na-miss ko tuloy lalo ang Pilipinas, lalo na ang mga pagkaing Noypi.
Nakakatikim pa rin naman ako ng sinigang, adobo, at bistek na natutunan kong iluto mula sa aming Home E. Pero naglalaway pa rin akong matikmang muli ang sinanglaw ni Inang (yaya ni Mommy), ang paborito naming pulutan na sisig at dinakdakan, at ang buro ng Mommy ng ex ko. Kahit pa na-master ko nang lutuin ang kare-kare, pinakbet, kilawing tagalog, laing, at bicol express, iba pa rin 'pag ang mga tiyahin ko ang nagluto, mas masarap sa panlasa ko, lalo na 'yung sinagul ng bespren ko kahit pa medyo malansa ang pating.
Kailan? Kailan muling sasayad sa dila ko ang mga pagkaing ito?
At para pang nanadya ang Eraserheads...
* Hindi mapakali, magdamag hinahanap... Nababaliw tuwing naaalala... Hindi malimutan... Kailangang muling makamit... *
"Anak gising na, andito na tayo sa bahay. Ipaggayat mo nga ako ng bawang, sibuyas, at luya, magluluto ako ng pinapaitan."
x's: Autumn na ngayon at malapit ng mag-Winter, kagagawa ko nga lang ng blog ko kaya ngayon lang ito nai-post...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment