From Alfred Lord Tennyson's poem In Memoriam:27, 1850:
I hold it true, whate'er befall;
I feel it, when I sorrow most;
'Tis better to have loved and lost
Than never to have loved at all.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Naglalakad ako sa may aplaya. Natatanaw ko ang mga mangingisda't kani-kanilang mga pamilyang tulong-tulong sa paghila ng fishing net. Mainit ang sikat ng araw, bagama't hindi naman nakakapaso. Masarap ang simoy ng hanging nagmumula sa dagat. Kasabay ng alon ay nalalasahan ko ang alat..Kaysarap pumikit at mag-relax..
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Naliligaw ako sa mala-labyrinth na palenke. Hindi ako pamilyar sa lugar, ngunit hindi naman ako nakaramdam ng takot kahit pa ilang ulo ng tupa na ang nadaanan ko. Wala namang manginginom sa paligid. Nawawala ako.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Nasa loob ako ng isang bar. Merong jazz music sa background. May mga nagsusugal sa isang sulok. Mayroon namang simpleng nagdi-dinner date lamang sa isang banda. Ako, nagi-isa sa sulok ng lamesa. Sinasamyo, sinisimsim baso ng vodka, sapagkat wala raw silang tequila.. Napansin kita't tinanguan, here's looking at you, kid!
nota bene: an unpolished writing attempt.
No comments:
Post a Comment