7.11.2008

Ganito Sila Noon..

Mga awiting nilimot ng panahon na kaysarap pakinggan at paulit-ulit balikan. Nasaan na ang pagiging malikhain mo, Juan dela Cruz..? Maaari pa bang ibalik ang dati mong pagiging makata at busilak?

"Sinisinta kita, 'di ka kumikibo; Akala mo yata ako'y nagbibiro.
Saksi ko ang langit, sampu ng kanduro; Kundi ka mahal, puputok yaring puso."

"Kataka-takang mahibang ang tulad ko sa'yo.
Biru-biro ang simula, ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako, ngunit 'yan ay 'di totoo.
Dahil sa iyo puso kong ito'y binihag mo."

"Sa piling mo sinta ko napapawi ang lungkot;
Napaparam, nagbabago ang lahat ng himutok.
At sa tuwi kong hahagkan ang pisngi mong mabango,
Ay tuluyang napaparam ang hirap ko."

"Akala mo yata kita'y nililimot; alaala kita sa gabing pagtulog.
Ang inuunan ko luhang umaagos; ang binabanig ko ay sama ng loob.
'Di ka na nahabag, di ka na naawa. Lusak na ang lupa sa patak ng luha."

"Tumataghoy sa gabing mapanglaw ang abang lagay ko, o mutyang hirang
Sana'y dinggin ang hibik at daing, waring malalagot na ang buhay na angkin."

"Sa bawat sandali tayo ay magkapiling, sa bawat lunggati pakinggan ang hiling;
Ang puso ko't budhi ay hindi sinungaling, sana ay ulinigin damdamin ko, giliw-- Asahan, pangarap nitong buhay, lahat ng araw kita'y mamahalin.
Iwasan ang iyong alinlangan, lahat ng araw kita'y mamahalin.
Sa labi ng imbing kamatayan itangi yaring pagmamahal.
Tulutang magtapat sa 'yo hirang lahat ng araw kita'y mamahalin."

"Malayo man, malapit din pilit kong mararating; 'wag lamang masabi mong 'di kita ginigiliw."

"Nasaan ka irog, at dagling naparam ang iyong paggiliw?
'Di ba 'ga sumpa mong ako'y mamahalin, iyong itatangi magpahanggang libing?"

No comments: